Skip to main content

Posts

ALTITUDE

Today hurls a gutsy tailslide  on the mega ramp of romance.  As you leisurely  carve, pop, grind on the gutters, the curbs,  the handrails of your affection OR  when you  are driven  to heelflip, switchstance,  a radical tendency. Forget it  not  to doff  the altitude to the Highest who fed air to your stunt.

AUDACITY

Her tact,  recondite  and blistering owns the inscrutable grips of Beijing. Her sight  fashions the unqueched flames of Shanghai.  Thus,  who dares speak of crusty palaver?  who dares budge to shut out flavor? who dares alter the firmament  of her word? Only today. Only him. Shall surround her.

GUSH

For when the somber  and the oblivious castrate the august sun,  Or the naked and the facile succumb  to the substitute.  You pour.

TAKAS

Paano tumakas mula sa penitensiya ng latigong pumupunit sa litid ng mapulang pahaging ang pagpitik? Paano lumabas sa nilukubang kuweba ng konsensiyang basag ang pananaw? Paano sumuko sa rebeldeng taliwas ang pangako sa niyakap na prinsipyo? Paano bumalikwas sa pag-ibig na kulob sa pagmamalaki at hilaw sa karanasan? Pag minamalas ka nga naman.   (Reposted for Jacklee) This too, shall pass.

THE CHUSEOK ULTIMATE VACATION PLAN (Ang sagot sa tanong na 'san mo ko dadalhin sa chuseok?')

Muntik ko nang malimutang mahilig ka sa luma. Puwes, Sa Intramuros tayo. Uumpisahan natin ng tokneneng sa may entrada. Kung masipag kang pumila, dagdagan natin ng sago, na ititimpla sa kabilang kariton. Lalo’t hindi sapat sa iyo ang suka. Huhukayin natin ang natitirang lupa sa gutter ng kalye. Lalagpasan natin kung saan may hagdan paakyat, lulundagin natin ang bawat baitang. Magiingat tayo sa lumot. Higit sa mga hantik. Lalambitin tayo sa mga dahong nakabara pagkatapos bibitawan din natin sila. Malulula tayo sa pagtayo, paglambitin, paglukso, pagpagpag, Kaya Mauupo tayo sa peborit spot mo. Manunuod tayo ng pagong sa batis ng golf kors. At babatiin ang mga smol taym mangingisda sa gilid. Ngingitian ang mga isdang nauuntog sa kalyo ng tubig kakaiwas sa mga bitag ng lupa. Mapapagod tayo sa kakahabol ng tingin sa bolang puti. Kaya mag-uunahan tayo mula sa peborit spot mo hanggang sa peborit spot ko. Ipaliliwanag ko...