Muntik ko nang malimutang mahilig ka sa luma.
Puwes,
Sa Intramuros tayo.
Uumpisahan natin ng tokneneng sa may entrada.
Kung masipag kang pumila,
dagdagan natin ng sago,
na ititimpla sa kabilang kariton.
Lalo’t hindi sapat sa iyo ang suka.
Huhukayin natin ang natitirang lupa sa gutter ng kalye.
Lalagpasan natin kung saan may hagdan paakyat,
lulundagin natin ang bawat baitang.
Magiingat tayo sa lumot.
Higit sa mga hantik.
Lalambitin tayo sa mga dahong nakabara
pagkatapos bibitawan din natin sila.
Malulula tayo sa pagtayo, paglambitin,
paglukso, pagpagpag,
Kaya
Mauupo tayo sa peborit spot mo.
Manunuod tayo ng pagong sa batis ng golf kors.
At babatiin ang mga smol taym mangingisda sa gilid.
Ngingitian ang mga isdang nauuntog sa kalyo ng tubig
kakaiwas sa mga bitag ng lupa.
Mapapagod tayo sa kakahabol ng tingin sa bolang puti.
Kaya mag-uunahan tayo mula sa peborit spot mo
hanggang sa peborit spot ko.
Ipaliliwanag ko sa iyo ang krimen sa likod ng isang iskultura.
Matatakot ka.
Maaameyz ako.
Magtutunaw tayo ng dirty ice cream sa harap ng katedral
at lalafang sa bawat carinderiang nakadikit sa dingding.
Magkakape kung san pinakamahal ang kape.
Magsasalamin sa tindahan ng mga antigo.
At marahil
Para maglaho ang paltos natin sa paa,
tatapakan natin ang bakas ng swelas ni Rizal.
Matatawa ka.
Maaameyz ako.
Comments
what is chuseok,by the way?
Me likey ;)
Chuseok is Korea's version of Thanksgiving day. A 3-day holiday.
@jackie lee - thank you! I hope I can make another one of the same caliber. Me likey. =)