Muntik ko nang malimutang mahilig ka sa luma. Puwes, Sa Intramuros tayo. Uumpisahan natin ng tokneneng sa may entrada. Kung masipag kang pumila, dagdagan natin ng sago, na ititimpla sa kabilang kariton. Lalo’t hindi sapat sa iyo ang suka. Huhukayin natin ang natitirang lupa sa gutter ng kalye. Lalagpasan natin kung saan may hagdan paakyat, lulundagin natin ang bawat baitang. Magiingat tayo sa lumot. Higit sa mga hantik. Lalambitin tayo sa mga dahong nakabara pagkatapos bibitawan din natin sila. Malulula tayo sa pagtayo, paglambitin, paglukso, pagpagpag, Kaya Mauupo tayo sa peborit spot mo. Manunuod tayo ng pagong sa batis ng golf kors. At babatiin ang mga smol taym mangingisda sa gilid. Ngingitian ang mga isdang nauuntog sa kalyo ng tubig kakaiwas sa mga bitag ng lupa. Mapapagod tayo sa kakahabol ng tingin sa bolang puti. Kaya mag-uunahan tayo mula sa peborit spot mo hanggang sa peborit spot ko. Ipaliliwanag ko...
THE BIGOTRY OF THE UNSIGHTED SELF. I write because my thoughts seem to outrun the speed of my mouth and outrage those who decide to listen to just partial of my thoughts.