Pinagtitiyagaan ko ang bituin
Upang mangunyapit sa pangako nitong lapit ng bukas,
At sa kakayahan nitong takpan ang dilim ng ngayon.
Pinagmamasdan ko siya
Hindi tulad ng isang mangingibig,
Na nagbabakasakaling makasungkit sa limang sulok nitong liwanag.
Kundi tulad ng isang batang walang kakayahang masuklam,
Kahit na ang abot-tanaw at ang abot-kamay ay magkaiba.
Natuto akong bilangin
Kung ilang beses siya dapat kumislap,
Upang mapansin ang kaniyang kinang.
Ang kung paanong ang iyong bilang
Ay katumbas lamang ng huli mong
Pagkurap.
Hanggang sa lamunin
Ang bituin ng mas marangyang liwanag
At magpasakop sa pinangingilagan nitong
Enerhiya.
Bubunuin ko ang umaga na sabik sa pagsapit ng gabi.
Nagtapos na ang aking pagkabigo.
01/17/08

Comments